Detalyadong ikinuwento ni Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan sa Radyo Todo Aklan ang buong pangyayari nang lumubog sa dagat ang speedboat na sinasakyan nila nina Bianca Manalo, Ehra Madrigal, at ibang mga kasama habang papunta sa Mararison Island noong umaga ng Maundy Thursday, March 29.
Papunta ang kanilang grupo sa Mararison, isa sa pinakapopular na tourist destinations sa bayan ng Culasi.
Lahad niya, "We are on our way to Mararison with my friends, 'tapos biglang on our way there from Pandan to Mararison, okey naman yung ano ng dagat.
"But after thirty minutes, on our way there, tatlong malakas na alon, pumasok yung tubig.
"Pero split seconds, I think mga 15 seconds, tumaob kami."
Si Mayor Tan daw ang nagdala kina Bianca sa Mararison upang i-promote ang turismo doon.
"[I am with] my friends, ang tao ko and yung cousin ko na namatay, first cousin ko siya, si Bennie Dable.
"Bianca and Ehra, they were with me and the husband of Ehra, si Tom Yeung.
"First time because, siyempre, we are promoting tourism.
"At the same time, gusto nila magbakasyon at makita kung gaano kaganda yung Mararison, so dinala ko sila doon."
Si Bianca ang kasalukuyang girlfriend ni Mayor Tan.
BOAT CAPSIZED. Kasunod nito ay idinetalye ni Mayor Tan ang pangyayari nang tumaob ang sinasakyan nilang speedboat.
"The speedboat came from here, Pandan. Fifteen seconds, tumaob yung speedboat.
"'Tapos, the problem there, yung life vests, nakatali.
"May life vest, pero hindi namin nasuot.
"Ang bilis, e. Taob, as in taob!
"Pagtaob niya, lahat nakahawak.
"Ako, wala na akong ibang inisip, kasi sa utak ko noon, lulubog yung boat.
"So what I did, may nakita akong container jar, kinuha ko, 'tapos yung isang life vest doon na nakatali, kinuha ko, and then I swam from there to the shore.
"May nakita ako na shore, pero malayo, siguro four kilometers... three kilometers. Medyo malayo talaga."
Patuloy na lahad ng alkalde, "It took me two and a half hours, nag-swimming ako, two and a half hours, to get there, to ask for help.
"Kasi kung hindi ko gagawin yun, instinct, e, lahat kami mamamatay.
"Malayo sila, nakakapit sila sa speedboat before I left. I made sure, nakahawak sila.
"Instinct na yun, wala na akong alam gawin kundi to look for a rescue.
"By doing that, I need to swim."
PRAYER TO GOD. Humingi raw ng proteksiyon si Mayor Tan sa Panginoon na makaligtas siya upang mailigtas niya ang kanyang mga kasamahan.
"I was praying to God, I’m asking for help God, protection and everything.
"Si Torreb [Torrebeo Barrientos], dalawa kami...
"I’m supposed to go there [alone], sabi niya, 'Samahan kita, buddy-buddy tayo.'
"So, we’re praying.
"Ako, ang prayer ko, sabi ko, 'God... I don’t wanna be selfish. I-save mo ako para ma-save ko sila.'
"Kasi eight of them, nandoon lahat, may dalawang bata—8 and 12 years old.
"Kahit pulikat na kami, bira nang bira, two and a half hours, kasi yung current malakas.
"Limang beses akong sumuka siguro dahil naaano ko yung tubig... nainom ko, saka sa ilong.
"Sumusuka ako limang beses, pero laban talaga.
"Sa awa ng Diyos, before mga 200 meters, sumisigaw na kami.
"May isang boat na dumating, sinundo kami, and then pagsundo sa amin, bumalik kami ng shore.
"Nagpakilala ako, nagpahingi ng tulong, at sinabi ko, may walo pa doon.
"So, sumakay ako ng malaking pump boat, dumiretso kami doon para i-save sila," salaysay ni Mayor Tan.
THE RESCUE. Inamin ni Mayor Tan na labis siyang nangamba kung maaabutan pa niyang buhay ang mga kasamahan.
Lahad niya, "Sumama ako to locate them, hindi alam ng fishermen kung nasaan sila.
"Sabi ko nga, noong papunta ako ng shore, lumalangoy ako ng two and a half hours, hindi ako umiiyak, e.
"Umiyak ako noong pabalik, kasi yung fear ko, 'Nandiyan pa ba sila?'
"Two and a half hours, maalon, hindi ko alam kung nandoon pa sila.
"When I went back, happily, luckily, salamat sa Diyos, nakita namin sila."
Pero isa sa kanilang mga kasamahan ang nasawi.
"Sad to say, yung cousin ko, hindi ko ini-expect na siya pa yung namatay.
"Kasi, may 8 and 12 years old kami na mga batang babae, hindi rin marunong lumangoy, pero nag-survive.
"And then, I found out—of course, after mag-usap-usap kami—he died because of heart attack or stroke. Bumula yung bibig, e.
"Hindi sa drowning kasi nakakapit siya, e, and then nahawakan pa ng kaibigan ko na asawa ni Ehra, si Tom. Talagang sine-save siya.
"So what Tom did nung patay na talaga, nag-sorry na lang siya.
"Inilagay siya sa ibaba ng boat para hindi siya maanod.
"Kasi yung boat noong umalis ako, nakataob 90 degrees.
"Nung bumalik ako, almost 150 degrees, tip na lang ang natira, at lahat sila, nakakapit doon.
"Lahat sa gilid na lang, nakakapit na lang to survive."
SECOND LIFE. Inisip na nga raw ng mga kasama ni Mayor Tan na patay na siya dahil sa tagal bago siya nakabalik.
Saad niya, "Even si Bianca, sinabi, parang they were thinking kung patay na ako.
"Ang tagal, e, two and a half hours.
"So, sa utak nila, kung patay na ako, di sila rin mamamatay na rin sila, kasi wala na yung boat.
"Siguro mga thirty minutes, one hour, lulubog na.
"Can you imagine, ganito tumaob and then tip na lang ang natira?
"Malakas yung waves, kapit na lang talaga."
Sabi pa ni Mayor Tan, "Wala, tragic talaga yung nangyari.
"Second life na talaga namin.
"Unti now, nagko-cope up rin kami, trauma pa rin, what really happened."
No comments: